PULSE PH

Paolo Contis at Yen Santos: Walang Ligawan, Ayon sa Ina ng Aktres!

Walang diretsong pag-amin sina Paolo Contis at Yen Santos kung naging sila o hindi.

Ito ang palaisipan ngayon sa mga nakapanood ng vlog nina Direk Chaps Manansala at Jobert Sucaldito na OOTD sa YouTube channel.

Dati ay nabanggit ni Paolo na “what you see is what you get” na ibig sabihin kung ano ang nakikita ng netizens na magkasama sila, ay considered “sila” na.

Pero may mga pahayag din ang aktor na kahit ano pang sabihin nila, hindi pa rin sila pinapaniwalaan ng mga tao.

Kamakailan lang, nabalitang naghiwalay na ang dalawa at bilang patunay, binura na ni Yen ang mga larawan nila ni Paolo sa kanyang Instagram account, maliban sa dalawang poster ng pelikulang “A Far Away Land” na ipinalabas sa Netflix noong 2021.

Anyway, kaya namin ito nasulat ay dahil nakausap ni Jobert ang ina ni Yen at sinabi nitong hindi naging dyowa ng anak niya si Paolo.

Bungad ni Jobert sa vlog, “Ang pagkakaalam natin sila talaga.”

Sey naman ni Direk Chaps, “Sa dami ng mga kwento tulad ng pagpunta ni Paolo Contis sa Baguio, ‘yung paghihiwalay nila ng asawa (LJ Reyes), at pagiging sweet nila (Pao at Yen), sinong magsasabing hindi sila?”

Ayon naman kay Jobert, “’Di ba ‘yung sa Baguio, si Paolo ang nagsabing hindi totoong mag-dyowa sila noon. Just friends lang daw after the movie (A Far Away Land) na ginawa nila sa Norway. They were there patago dahil magkasama sila, alam mo naman si Paolo, magaling magtago ng mga relasyon. Malalaman mo na lang, hiwalay na siya sa mga dyowa niya. Anyway, that’s beside the point.”

Exit mobile version