PULSE PH

Paolo Benjamin ng Ben&Ben, Engaged na sa Long-Time Girlfriend!

Ikinasal na si Paolo Benjamin Guico, isa sa kambal na miyembro ng sikat na folk band na Ben&Ben, sa kanyang longtime girlfriend na si Rachel Maria!

Sa opisyal na Facebook at Instagram pages ng Ben&Ben nitong Sabado, ibinahagi ang masayang balita kasama ang mga larawan ng newly engaged couple. Makikita sa isang litrato ang sweet na ngiti nina Paolo at Rachel, kung saan proud na ipinapakita ng bride-to-be ang kanyang engagement ring.

Sa isa pang litrato, nakunan ang romantic moment kung saan nakaluhod si Paolo habang nagpo-propose sa ilalim ng maliwanag na gazebo, isang cinematic backdrop na perfect para sa espesyal na sandali.

“Engaged na si Ben1,” ang nakasaad sa caption sa Facebook, isang nakakatuwang pagbati mula sa banda. Para sa kaalaman ng lahat, ang Ben&Ben ay ipinangalan sa kambal na miyembro nito, sina Paolo at Miguel Guico.

Sa Instagram naman, tila si Paolo mismo ang sumulat ng caption kung saan nagbigay siya ng matamis na mensahe para kay Rachel:

“To the love of my life. While lovely, surreal moments make me feel that I’m with the right person, the mundane seasons of life, and even the periods of struggle, make me feel truly certain that you are the one I want to spend the rest of my life with. I’ll face the beauty and pain of life with you, one day at a time for the rest of our lives,” ang bahagi ng kanyang heartfelt post.

Abangan natin ang susunod na kabanata ng kanilang love story—siguradong puno ito ng musika, inspirasyon, at pagmamahalan!

Exit mobile version