Nagbigay ng babala ang World Health Organization (WHO) tungkol sa posibleng pandemya ng chikungunya, isang mosquito-borne disease na nagdudulot ng lagnat at matinding pananakit ng mga kasu-kasuan, na maaaring magdulot ng pagka-disable at minsan ay mamatay.
Ayon sa WHO, nakikita nila ang parehong senyales ng outbreak na nangyari noong 2004-2005, kaya’t nagpapaalala sila ng agarang aksyon upang mapigilan ang pagkalat nito. Sa ngayon, ang chikungunya ay naitala sa 119 bansa, na naglalagay ng 5.6 bilyong tao sa panganib.
Simula ng 2025, naiulat na ang mga lugar sa Reunion, Mayotte, at Mauritius ay nakakaranas ng malalaking outbreak ng chikungunya, kung saan tinatayang isang-katlo ng populasyon sa Reunion ang nahawaan na.
Ang WHO ay nagsasagawa ng mga hakbang upang pigilan ang pagkalat ng sakit at hindi na maulit ang nangyaring epidemya.
