Site icon PULSE PH

Panawagan Kay Marcos: Pirmahan Mo Na ang Wage Hike!

Sa Araw ng Paggawa, muling nanawagan ang ilang senador kay Pangulong Bongbong Marcos: ‘I-certify mo na bilang urgent ang wage hike bill!’

Nagmartsa ang mga manggagawa sa lansangan bitbit ang sigaw para sa patas na sahod at disenteng trabaho.

Pasado na sa Senado ang panukalang ₱100 dagdag-sahod, pero na-stranded ito sa Kamara at Malacañang.

“Tama na ang paasa! I-urgent niyo na!” giit ni Sen. Risa Hontiveros. Dagdag pa niya, kung hindi ito maipasa bago matapos ang 19th Congress, balik zero na naman ang laban.

Kahit si Sen. Bong Go ay pumapel na rin: “Ginawa na namin ang parte namin, House naman!”

Aminado si Hontoveros—kulang ang ₱100 sa taas ng bilihin, pero malaking hakbang na ito.

Samantala, sa Labor Day message ni Marcos, puro general good vibes lang—walang binanggit tungkol sa wage hike bill.

Ang tanong ng taumbayan: Hanggang kailan kami maghihintay?

Exit mobile version