Site icon PULSE PH

Panalo ng New Zealand, Libre Pass ng Gilas sa FIBA Asia Cup!

Opisyal na! Nakasiguro na ang Gilas Pilipinas ng tiket sa FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia next year—dahil sa tulong ng New Zealand.

Tinalo ng Tall Blacks ang Chinese Taipei, 81-64, sa FIBA Asia Qualifiers. Dahil dito, kahit matalo pa ang Gilas sa dalawang laro sa February window, paniguradong top 2 sila sa Group B.

Ipinakita ng Gilas ang lakas sa November window: panalo kontra New Zealand (93-89) at Hong Kong (93-54). Ayon sa FIBA, pumapangalawa ang Pilipinas sa highest-scoring teams sa mundo (96.5 PPG).

Sa laban ng New Zealand, kumamada si Sam Waardenburg ng 16 points, 13 rebounds, at 6 assists, habang hindi rin nagpahuli sina Shea Ili (12 pts) at Tom Vodanovich (11 pts).

Kahit may konting rally ang Chinese Taipei, nagpasabog ang Tall Blacks sa fourth quarter para selyuhan ang panalo.

Exit mobile version