Isang nakakatuwang balita para sa mga K-Pop fans sa bansa—ang pamangkin ni Jisoo ng BLACKPINK ay mag-aaral dito sa Pilipinas!
Kamakailan, ibinahagi ni Ji-yoon, nakatatandang kapatid ni Jisoo, ang ilang larawan ng kanyang anak na si Minsung sa Instagram habang papunta ito sa Pilipinas. “Have a good time studying in the Philippines, Minsung,” ang nakasulat sa kanyang caption, kalakip ang emojis ng eroplano, puso, at bandila ng Pilipinas.
Ipinost din ni Ji-yoon ang isang emosyonal na larawan kung saan yakap ni Minsung ang kanyang ama bago pumasok sa paliparan. Ayon sa mga ulat, dating flight attendant si Ji-yoon ngunit nag-resign matapos ipanganak ang kanyang dalawang anak. Sa ngayon, isa na siyang lifestyle influencer.
Matatandaan na noong Marso, naganap ang unang solo fan meet ni Jisoo sa Pilipinas. Bukod pa rito, nakatakda silang magbalik kasama sina Lisa, Jennie at Rosé para sa kanilang concert sa Philippine Arena sa Bulacan ngayong Nobyembre.
Siguradong mas lalo pang nae-excite ang mga BLINKs sa balitang ito!