Site icon PULSE PH

Palasyo, Sinupalpal si Sen. Imee: “Desperadong Paratang Laban sa Pangulo at First Lady”

Tinawag ng Malacañang na “desperadong hakbang” ang alegasyon ni Sen. Imee Marcos na gumagamit ng droga ang Pangulo at First Lady. Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, walang basehan ang paratang at muling isinasangkot ang Pangulo sa isyung napatunayang mali noong 2021 matapos siyang magnegatibo sa drug test.

Binanggit ni Castro na hindi naman pinuna ni Imee si dating Pangulong Duterte sa kanyang paggamit ng droga noon, at ginagamit pa ng ilang kritiko ang AI-generated video para siraan ang Pangulo—na napatunayang peke.

Hinamon ng Palasyo si Imee na suportahan ang kampanya kontra katiwalian sa halip na umatake sa sariling kapatid.

“Kung tunay kang makabayan, tulungan mong linisin ang gobyerno, huwag protektahan ang mga tiwali at huwag sirain ang iyong kapatid.”

Ani Malacañang, nakakahiyang ibinabato ni Imee ang paratang na ilang ulit nang napatunayang walang katotohanan.

Exit mobile version