Site icon PULSE PH

Palace: Walang ‘Merry Christmas’ sa mga Sangkot sa Anomalya sa Flood Control!

Tiniyak ng Malacañang na makukulong bago mag-Pasko ang mga personalidad na sangkot sa umano’y anomalous flood control projects, alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, patuloy ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban sa mga sangkot, kasunod ng inilabas na warrant laban kay dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co. Dagdag niya, mas marami pang indibidwal ang maaaring arestuhin habang tinatrabaho ng Department of Justice at Office of the Ombudsman ang mga kaso.

Noong Nobyembre, nagbabala na ang Pangulo na matatapos ang mga kaso laban sa mga nasangkot bago magtapos ang taon. Ayon kay Marcos, buo na umano ang mga ebidensya at tiyak na haharap sa kulungan ang mga responsable.

Mariing mensahe ng Malacañang: walang magiging masayang Pasko para sa mga mapapatunayang sangkot sa katiwalian sa flood control projects ng bansa.

Exit mobile version