Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na ipatutupad ang gun ban simula Agosto 14 bilang paghahanda sa parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Oktubre.
Paalala ng Comelec: kinakailangang mag-apply ng Certificate of Authority (CA) ang mga residente na nais magdala ng baril sa labas ng kanilang bahay. Kahit may lisensya, bawal pa ring magdala kung walang CA.
Para sa mga may CA noong May 2025 elections, maaaring mag-request ng extension. Samantala, kailangang magpasa ng kumpletong requirements ang mga hindi pa nakapag-apply noon.
Bukas ang aplikasyon para sa CA mula Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holidays.
