Libo-libong tagahanga ang dumagsa sa Berlin para sa ginanap na premiere ng pinakahihintay na biopic tungkol sa King of Pop na si Michael Jackson. Punong-puno ang paligid ng mga taong nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang masaksihan ang mahalagang kaganapang ito sa industriya ng musika at pelikula. Bakas sa mukha ng mga fans ang labis na pananabik habang inaantay ang pagdating ng mga bida at produksyon sa red carpet.
Naging sentro ng atensyon sa nasabing okasyon ang bida ng pelikula na si Jaafar Jackson na siyang gumanap bilang kanyang amain na si Michael. Marami ang humanga sa pagkakahawig ng dalawa at sa husay na ipinamalas ni Jaafar sa pagbibigay-buhay muli sa legasiya ng kanyang tiyuhin. Ang pelikula ay naglalayong ipakita ang mas malalim na kuwento sa likod ng kasikatan at mga pagsubok na pinagdaanan ng iconic na mang-aawit sa loob ng maraming dekada.
Sa kabila ng mga taong lumipas simula nang pumanaw ang music icon nananatiling buhay na buhay ang kanyang impluwensya sa mga tao. Ang tagumpay ng premiere sa Berlin ay isang patunay na hindi kumukupas ang pagmamahal ng publiko kay Michael Jackson. Inaasahang magiging isa ito sa pinakamalaking pelikula ngayong taon dahil sa lawak ng suportang ipinakita ng mga taga-suporta at ang kontrobersyal ngunit makulay na buhay na tatalakayin sa naturang biopic.
