Sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ay tumutok na sa pagbawal sa Philippine offshore gaming operators (Pogos), na magreresulta sa pagkawala ng trabaho ng tinatayang 42,000 na Filipino workers.
Sa isang ambush interview pagkatapos ng SONA, sinabi ni Pagcor Chief Alejandro Tengco na agad nilang binigyan ng instruksyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga maaapektuhang manggagawa na makahanap ng bagong trabaho bago matapos ang 2025.
“Sa tingin ko, higit kumulang 42,000 ang mawawalan ng trabaho, lahat Pilipino, walang foreigners,” ani Tengco.
Dagdag pa niya, “Tulad ng sinabi ng Pangulo, minumungkahi ko na makipag-ugnayan tayo sa DOLE para sa skills training program. Kailangan nating malagpasan ang magiging problema ito.”
Naniniwala si Marcos na ang pagbabawal sa Pogos ay para sa ikabubuti ng lahat ng Pilipino. Sa kanyang SONA, mariing ipinahayag niya, “I hereby instruct the Philippine Amusement and Gaming Corporation to wind down and cease the operations of POGOs by the end of the year.”
Hamon sa Pagcor at DOLE na i-turn around ang sitwasyon para sa 42,000 Pinoy na mawawalan ng trabaho, at isang malaking pagsubok para sa gobyerno at mga ahensya na ihandog ang bagong oportunidad sa mga naapektuhan.