Site icon PULSE PH

Pagbawal sa E-bike at E-trike sa National Roads, Pinalawig Hanggang Enero!

Inurong ng Land Transportation Office (LTO) sa Enero 2026 ang pagpapatupad ng impounding ng e-bikes at e-trikes na bumabagtas sa national roads, matapos ang sunod-sunod na reklamo mula sa publiko.

Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, sa halip na hulihin agad ang mga lumalabag, magsasagawa muna ngayong araw ng isang malawakang information drive upang malinaw na maipaliwanag ang bagong patakaran. Sinabi niyang batid nina Pangulong Marcos at acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang mga pangamba ng publiko kaya ipinagpaliban muna ang mahigpit na operasyon.

Maglalabas ang LTO ng mas detalyadong guidelines para tukuyin kung saan pinapayagan at ipinagbabawal ang mga light electric vehicles.

Ang aktwal na paghuli sa mga lalabag ay magsisimula sa Enero 2, 2026, at binigyang-diin ng LTO na wala nang magiging extension.

Exit mobile version