Nagbigay ng heat index warning ang PAGASA para sa 21 na lugar sa bansa dahil sa matinding init at humidity, na naging dahilan ng pag-abot ng temperatura sa delikadong level—may mga lugar na parang 45°C!
Sa Tuguegarao City, Ilagan sa Isabela, at Infanta sa Quezon, tumabo ang heat index sa 45°C, habang 44°C naman ang naitala sa Pasay City at Aparri sa Cagayan. Marami pang iba tulad ng Dagupan, Camiling, at Subic Bay na nakapagtala ng 43°C, at may mga lugar ding umabot sa 42°C tulad ng Quezon City, Laoag, at Legazpi.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at sumunod sa mga precautionary measures laban sa init.