Site icon PULSE PH

Pacquiao, Handa na ulit! Sino ang Susunod na Katapat ni ‘Pacman’?

Kahit nakapikit at may piring, tiyak blockbuster fight pa rin ang laban ni Manny “Pacman” Pacquiao. Sa ngayon, apat na pangalan ang posibleng makalaban ng Pambansang Kamao: Gervonta “Tank” Davis, Rollie Romero (WBA regular welterweight champion), Mario Barrios (WBC welterweight king), at ang pinakainaabangan – Floyd Mayweather Jr.

Sa post-fight press conference matapos ang kontrobersyal na draw laban kay Barrios, muling lumutang ang pangalan ni Mayweather.

“Mahirap pag-usapan ang isang retiradong boksingero. Pero kung lalabas siya sa retirement at pipirma ng kontrata, lalaban tayo,” sabi ni Pacquiao, na parang kinukumbida pa si Mayweather na humarap.

“Let’s fight again. Kung gusto niya, wala akong problema doon. Aktibo ako ngayon… lalabanan ko silang lahat,” dagdag pa ng boxing legend.

Aminado rin si Pacquiao na gusto niya ng rematch kay Barrios, kahit sinabi ni MP Promotions head Sean Gibbons na hindi na kailangang ulitin ang laban.

Nang tanungin kung sino sa dalawa—Davis o Romero—ang pipiliin niya, sagot ni Pacquiao: “Hindi pa kami nag-uusap.”

Posible ang pagbabalik ni Pacman sa Setyembre o Nobyembre, ayon sa kanya, ngunit dagdag ni Gibbons: “December sounds good.”

Exit mobile version