Sa loob lang ng isang linggo, nasabat ng PDEA ang tinatayang ₱59.14 milyon na halaga ng ilegal na droga mula sa 45 operasyon sa iba’t ibang parte ng bansa.
Kabilang sa nakumpiska ay 9.4 kilo ng shabu, kush, at marijuana, pati na rin ang humigit-kumulang 136,000 tanim ng damo. Umabot naman sa 53 ang mga naaresto.
Ayon sa PDEA, resulta ito ng pinaigting na operasyon sa mga taniman ng marijuana.
Nababahala rin ang ahensya sa paglaganap ng kush, isang uri ng premium at synthetic na droga na patok umano sa mga gumagamit.
Target ngayon ng PDEA ang mas intelihenteng operasyon laban sa malalaking drug group, sa tulong ng mga lokal na pulis at komunidad—lalo na sa mga rehiyon kung saan talamak ang pagtatanim ng droga.