PULSE PH

P278.8M Halagang Shabu Nasabat sa Manila Port!

Nasabat ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 41 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P278.8 milyon sa Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor.

Pinangunahan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang inspeksyon sa kargamento na idineklarang “marbles” mula sa Afghanistan. Nadiskubre ang ilegal na droga sa magkasanib na operasyon ng Bureau of Customs, PDEA, at PNP. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa shipment.

Ayon kay Remulla, umabot na sa P95.6 bilyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa unang kalahati ng administrasyong Marcos—mas mataas kumpara sa P91 bilyon na nakumpiska noong nakaraang administrasyon. Iginiit niya na mas epektibo ang law enforcement operations kaysa sa marahas na pamamaraan sa paglaban sa droga.

Samantala, higit pitong kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P11.76 milyon ang nasabat din sa Central Mail Exchange Center sa Pasay, na natagpuan sa apat na abandonadong parsela.

Exit mobile version