Nahuli sa akto! Aabot sa 72 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P101.4 milyon ang nasabat ng PDEA sa Manila International Container Port (MICP) kahapon.
Ayon kay Emerson Rosales ng PDEA-NCR, nakatago ang illegal na damo sa loob ng limang balikbayan boxes—at galing pa raw ito sa Thailand!
Hindi pa pinapangalanan ang nagpapadala at dapat sana’y tatanggap ng shipment dahil iniimbestigahan pa. Pero ayon sa PDEA, naghahanda na sila ng kasong may kinalaman sa droga laban sa mga suspek.
Balikbayan box na sana’y puno ng pasalubong, biglang naging high-level contraband.
