Opisyal na! Si Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City Thunder ang itinanghal na NBA Most Valuable Player (MVP) para sa 2024-2025 season. Tinalo niya sa botohan si Nikola Jokic ng Denver Nuggets, sa score na 71-29, ayon sa TNT.
Canada Represent!
Ang 26-anyos na Canadian guard ang kauna-unahang MVP mula Canada mula noong Steve Nash. Pinangunahan niya ang Thunder sa best regular season record ng liga — 68 panalo — habang nag-a-average ng 32.7 points, 6.4 assists, at 5 rebounds kada laro.
Hindi lang ‘yan — siya rin ang nanguna sa liga sa dami ng laro na may:
- 20+ points: 75 games
- 30+ points: 49 games
- 40+ points: 13 games
- 50+ points: 4 games
Mula October 30, 2024, never siyang bumaba sa 20 points — isang 72-game streak na huling nakita noong 1960s!
Team Effort, Sabi Niya
Bagama’t solo ang pangalan sa award, pinarangalan ni Shai ang kanyang teammates:
“Wala ‘to kung wala ‘yung team. Yung panalo namin at kung paano kami nanalo — ‘yun ang dahilan bakit ako MVP.”
Elite Company
Si Shai ay ikatlong Thunder player na naging MVP, kasunod nina Kevin Durant at Russell Westbrook. Siya rin ang unang non-US MVP mula noong Jokic, na runner-up ngayong taon kahit pa career-best ang stats niya.
Championship Next?
Habang sinisindihan ang entablado ng MVP award, abante rin ang Thunder sa playoffs (1-0 kontra Minnesota). Posibleng mas kumpleto pa ang fairy tale season ni Shai kung makuha rin nila ang kampeonato!