Pinatunayan muli ni Shohei Ohtani ang kanyang pagiging superstar matapos magpasabog ng kauna-unahang postseason home run sa kanyang karera, at tinulungan ang Los Angeles Dodgers sa kanilang makapigil-hiningang 7-5 panalo laban sa San Diego Padres sa MLB playoffs nitong Sabado.
Sa second inning, bumira si Ohtani ng 372-foot, three-run homer para itabla ang laban sa 3-3. Muli siyang nagpakitang-gilas sa fourth inning nang mag-single at mag-load ng bases, dahilan para makapag-run si Tommy Edman at ibaba ang agwat sa 5-4. Sumunod si Teoscar Hernandez na nagpakawala ng dalawang run single para ilamang ang Dodgers, 6-5.
Pinalakas pa ni Will Smith ang kanilang lamang sa fifth inning, 7-5.
Sa kabila ng tensyon sa ninth inning, matagumpay na pinatumba ng Dodgers closer na si Blake Treinen si Manny Machado para selyuhan ang 1-0 lead ng Dodgers sa best-of-five National League Division Series.
Pinuri ni Dodgers slugger Teoscar Hernandez si Ohtani matapos ang laban: “Si Shohei ay si Shohei—walang ibang naglalaro tulad niya ngayon. Swerte kami na nasa team namin siya.”