Sa kanyang YouTube vlog, ibinunyag ni Ogie Diaz na hindi pa hiwalay sina Julia Barretto at Gerald Anderson, pero ayon sa source niya, tila gusto nang tapusin ni Julia ang relasyon habang si Gerald ay patuloy na nanunuyo.
Ayon sa kuwento, madalas pa raw dumadalaw si Gerald sa bahay ni Julia, pero tila iniiwasan na siya ng aktres. Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng desisyon ni Julia, pero napapansin daw ng source na bihira na silang makita na magkasama.
Tinanong din si Ogie kung may third party issue na kinasasangkutan ni Gerald, lalo na’t nadadawit ang pangalan ng volleyball star na si Vanie Gandler. Sagot ni Ogie, si Gerald lamang ang makakapaglinaw kung may katotohanan ang usaping iyon.
Sa ngayon, wala pang pahayag mula kina Julia o Gerald tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
