Inanunsyo ni Filipino Olympic pole vaulter EJ Obiena ang pagbubukas ng bagong pole vault facility sa Marcos Stadium, Laoag City, Ilocos Norte sa darating na Nobyembre 22. Sa post niya sa Facebook, sinabi ni Obiena na bukod sa pangarap na medalya sa Olympics, nais din niyang makita ang mas maraming Pilipino na magtagumpay sa pole vault.
“Ito ang simula ng katuparan ng pangarap. Ang Pilipinas bilang global force sa pole vault ay hindi nagtatapos sa akin,” ani Obiena. Pagkatapos ng ribbon-cutting ceremony, magkakaroon din ng coaching clinic at pole vault seminar para masimulan ang programang pang-rehiyon.
Plano ni Obiena na magtayo ng mas maraming ganitong pasilidad sa hinaharap upang masuportahan ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino pole vaulters.