Site icon PULSE PH

Obiena, Hari pa rin ng Asian Pole Vault!

Hindi pa rin matinag si EJ Obiena bilang pinakamagaling na pole vaulter sa buong Asia! Sa ikatlong sunod na pagkakataon, kinoronahan siyang kampeon sa Asian Athletics Championships matapos ang intense na laban sa Sumi, South Korea nitong Sabado ng gabi.

Pero kahit World No. 4 at Asian record-holder, aminado si Obiena — pahirap nang pahirap ang kompetisyon.

Sa pagkakataong ito, hindi naging madali ang panalo. Kinailangan ni Obiena na dumaan sa jump-off kontra sa matinding kalaban na si Huang Bokai ng China matapos nilang parehas makalundag ng 5.72 meters. Sa huli, nalampasan ni Obiena ang 5.77 meters, habang si Huang ay nabigo, kaya’t tinanghal muli ang Pinoy bilang gold medalist.

Si Obiena ay una nang naging kampeon sa Doha (2019) at Bangkok (2023). Bronze naman ang nakuha ng Thai na si Patsapong Amsam-ang na may 5.67m.

Three-peat Asian champion,” ani Obiena — isang patunay ng kanyang konsistensya, pero babala rin na mas lalong humihigpit ang laban sa pole vaulting sa Asia.

Exit mobile version