Si Barack Obama ay gagamitin ang Democratic convention sa Chicago para itanghal si Kamala Harris bilang kinabukasan ng partido at tagapagmana ng kanyang makasaysayang legacy bilang unang Black at South Asian woman presidential nominee.
Sa isang post sa social media, sinabi ni Obama na ilalatag niya sa kanyang Democratic National Convention address ang “kung ano ang nakataya” at bakit sina Harris at Tim Walz ang dapat na susunod na pangulo at bise presidente.
Bilang unang Black na nahalal sa White House, nananatiling malakas ang impluwensya ni Obama at siya ay kinikilala bilang isang mahusay na orador.
Ang pagdating ni Obama ay magpapaigting pa ng masiglang mood sa Chicago, kung saan nagbigay ng emosyonal na talumpati si outgoing President Joe Biden noong Lunes.
Bago ang makasaysayang pagsasalita ni Obama, ang asawa ni Harris na si Second Gentleman Doug Emhoff, ay magpapakilala ng personal na aspeto ni Harris bago siya pormal na tanggapin ang nominasyon sa Huwebes.
“Ipapakita niya sa Amerika ang Kamala Harris na siya lang ang nakakakilala. Tulad ng nakita ng Amerika sa mga nakaraang linggo, siya ay masayahin, may malasakit, at matapang. Iyan ang nagtatangi sa amin mula sa kabila,” sabi ni Michael Tyler, Harris-Walz communications director.
Sa pagkakaisa ng partido at malakas na survey ni Harris, malinaw na ipinapakita ng mga Democrats na naniniwala silang kaya nilang talunin si Donald Trump.