Site icon PULSE PH

Nueva Vizcaya, Nasa State of Calamity Status!

Idineklara ang state of calamity sa Nueva Vizcaya matapos ang matinding pagbaha at landslides dulot ng Bagyong Pepito. Umabot sa P1.4 bilyon ang iniwang pinsala, karamihan sa agrikultura (P917 milyon) at imprastraktura (P200 milyon).

Ayon kay Gov. Jose Gambito, prayoridad nila ang agarang tulong at rehabilitasyon para sa mga apektadong komunidad.

Samantala, nagbigay ang UK ng P74 milyong humanitarian aid para sa mga nasalanta ng bagyo, kabilang ang suporta sa pagkain, tubig, at sanitasyon.

Nag-donate din ang DENR ng kahoy mula sa nakumpiskang illegal logs para sa muling pagtatayo ng mga bahay at paaralan sa Batanes at Cagayan.

Exit mobile version