Site icon PULSE PH

NU Pep Squad, Naghari Muli sa UAAP Cheerdance!

Parang ibang universe ang ginawa ng NU Pep Squad kahapon sa MOA Arena! Sa kanilang space-and-time-themed performance, naghakot sila ng standing ovation mula sa 19,121 fans at muling sinungkit ang UAAP Cheerdance title matapos ang runner-up finish noong nakaraang taon.

Suot ang kanilang space suits, nag-deliver ang NU ng flawless routine para sa kanilang ika-walong korona sa loob ng 11 seasons. Sa score na 713, sila ang nangibabaw sa bawat category: pyramids (85), dance (368), tumbling (86.5), stunts (91.5), at tosses (91).

Malayo ang agwat ng NU sa mga katunggali—Adamson U (679.5) na may Karaoke theme ang pumangalawa, habang bronze naman ang FEU (650) na may Disney-inspired routine.

Bukod sa titulo, hinakot din ng NU ang lahat ng walong special awards at tumanggap ng cash prizes na umabot sa P280,000. Ani Coach Gab Bajacan, “Hindi kami tumitigil sa pag-level up!”

Sa mga natirang performances, standout ang Sexbomb Girls-inspired routine ng UE, pero kinapos sa podium. UST nagbigay ng 90s vibes, habang ang UP ay nagdala ng summer feels gamit ang Pantropiko hit ng BINI.

Exit mobile version