Site icon PULSE PH

NU Bulldogs, Nag-aapoy! Sinindihan ang UAAP Volley!

All eyes sa National University habang hinahabol nila ang back-to-back championship na naudlot noong Season 85! Magsisimula na ang UAAP Season 87 women’s volleyball tournament bukas sa Mall of Asia Arena, at siguradong mainit ang labanan.

Ang Lady Bulldogs, na dalawang beses nang naghari sa huling tatlong seasons, ang itinuturing na team-to-beat. At syempre, nangunguna sa kanilang kampanya ang reigning MVP na si Bella Belen, na determinado sa isang matagumpay na title defense.

“Sobrang excited ako to play ngayon. Gusto namin mag-back-to-back kasi hindi namin siya nagawa noong Season 85,” ani Belen sa pre-season conference kahapon, kasama ang UAAP officials, rival teams, at broadcast partner na Cignal TV.

Pero hindi magiging madali ang daan ng NU. Matindi ang paghahanda ng La Salle at UST, na parehong gustong bumawi. Handa ring makigulo ang lumakas na FEU, Adamson (kasama ang UAAP juniors MVP na si Shaina Nitura), Ateneo, UP, at UE.

Aarangkada na ang aksyon bukas, UST vs. FEU ang unang laban sa women’s division sa ganap na 3 PM, matapos ang banggaan ng kanilang men’s teams sa 11 AM.

Exit mobile version