Pinatigas ni Hezbollah leader Naim Qassem ang posisyon laban sa Israel sa isang talumpati nitong Miyerkules, kasabay ng pagbisita ni US envoy Amos Hochstein sa rehiyon para itulak ang tigil-putukan sa digmaan sa Lebanon.
Giit ni Qassem, “Israel cannot defeat us and cannot impose its conditions on us.” Aniya, ang layunin nila ay itigil ang agresyon at tiyakin ang soberanya ng Lebanon. Nangako rin siya ng matinding ganti sa Tel Aviv matapos ang mga nakamamatay na opensiba ng Israel.
Samantala, sinabi ng Israel na anumang kasunduan ay dapat magbigay sa kanila ng “freedom to act” laban sa Hezbollah kung may paglabag.
Si Hochstein, matapos makipagpulong kay Lebanon parliament speaker Nabih Berri, ay nagtungo sa Israel para tapusin ang usapan sa posibleng kasunduan. Ayon sa kanya, malapit nang maabot ang tigil-putukan.
