Kahit Superstar sa pelikula, naging simpleng tao si Nora Aunor sa huling kabanata ng kanyang buhay — at may tumulong na hindi inaasahan.
Kinumpirma ng Palasyo na si Pangulong Bongbong Marcos at ang kanyang asawa, First Lady Liza Araneta Marcos, ang nagbayad ng hospital bills at ibang utang ni Nora Aunor — mula sa sarili nilang bulsa.
“’Di lang ospital, pati utang at gastos — personal na pera ni PBBM ang ginamit,” ayon kay PCO Usec. Analisa Puod.
Hindi na sinabi kung magkano, pero malinaw ang mensahe: hindi lang National Artist si Nora, kundi isa ring minahal at kinilala hanggang dulo.
Pumanaw si Nora Aunor noong April 16 sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.