“Superstar” Nora Aunor opisyal nang nominado bilang pangalawang kinatawan ng People’s Champ party-list matapos maghain ng kanyang certificate of nomination sa Manila Hotel noong Lunes, Oktubre 7.
Sa kanyang talumpati, inilahad ni Nora na tinanggap niya ang nominasyon dahil gusto niyang makatulong sa kapwa Pilipino at sa industriya ng sining at musika.
“Nagdesisyon po akong tumakbo dahil sa kagustuhan kong makatulong, lalo na sa ating mga kababayan at kasamahan sa industriya,” sabi ni Nora.
Pinasalamatan din niya ang People’s Champ party-list sa pagbibigay ng pagkakataong ito upang maisakatuparan ang kanyang pangarap na makatulong.