Sinabi ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) nitong Martes na kanilang isinasagawa ang sariling imbestigasyon sa alegasyon ng organ trafficking.
Tumugon ang NKTI sa pag-aresto ng National Bureau of Investigation sa Bulacan ng tatlong indibidwal na umano’y bumibili at nagbebenta ng mga organo ng tao, kasama ang mga bato.
Isa sa mga suspek na nananatiling malaya ay isang nurse ng NKTI at ang umano’y lider ng gang.
“Bagaman kinukumpirma naming ang nasabing nurse ay tunay na empleyado ng NKTI, nais naming tiyakin sa publiko na ang pamunuan ay kasalukuyang naglalagom ng sariling imbestigasyon ukol dito,” sabi ng ospital sa kanilang pahayag.
Babala rin ng NKTI sa publiko laban sa pakikipag-transaksyon sa labas ng ospital sa mga grupo, organisasyon, at pribadong indibidwal na “nagpapanggap na galing sa NKTI.”
Bilang Pambansang Specialty Center para sa Renal Health at Organ Transplantation, iginiit ng NKTI na kanilang sinusunod lamang ang “legitimate transactions” pagdating sa buhay na donasyon ng organo, transplantasyon, at donasyon ng yumao.
“Pinapayuhan din namin ang aming mga pasyente at iba pang mga stakeholder na bumisita sa NKTI para sa lehitimong at tamang impormasyon ukol sa aming mga serbisyo at aktibidades,” dagdag pa nila.