Site icon PULSE PH

Niño Muhlach Ibinulgar ang mga Texts ni Jojo Nones kay Sandro!

Niño Muhlach inilabas ang mga text ni Sandro at ng mga TV consultant na umano’y nangaabuso sa kanya noong GMA Network gala noong Hulyo 20.

Sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media, sinisiyasat ang alegasyon ng sexual harassment na naranasan ni Sandro mula kina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sa kanyang testimonya, pinabulaanan ni Muhlach ang pahayag ng mga TV consultant na si Sandro ang nag-offer pumunta sa kanilang hotel room. Ayon kay Muhlach, hindi ang kanyang anak ang nagsimula ng pag-uusap sa mga respondent.

“Nainsulto talaga ako noong sinabi nila sa media na si Sandro ang unang nag-text eh. Kaya ginagawa ko ito para sa anak ko at sa lahat ng iba pa na dumaan sa ganitong sitwasyon na walang kakayahan lumaban,” pahayag ni Muhlach.

Exit mobile version