Viral ngayon ang cryptic post ni Mayor Niña Jose ng Bayambang, Pangasinan, na nagbabala laban sa mga “higad” at “itchy girls.”
Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng matinding babala ang dating “Pinoy Big Brother” housemate sa mga nagtatangkang umagaw ng kanyang pag-aari.
“Warning: Panahon na naman ng mga itchy girls at higad,” simula ni Niña. “Bilang ASAWA, palaging poprotektahan ko ang akin. Kaya huwag na huwag niyong subukan agawin ang akin. Dahil… hahanapin ko kayo. Alam niyo kung sino kayo.”
Dagdag pa niya, “Para sa kati niyo, gumamit na lang ng claritin.”
Ngayon, tila nabura na ang post na ito mula sa kanyang Facebook page, pero marami nang netizens ang nakapag-screenshot at nag-share nito, kaya patuloy pa rin itong kumakalat sa social media.
Ayon sa post, mukhang may nagtatangka na mang-akit sa kanyang asawa kaya hindi na nakapagtimpi si Mayor Niña at nagparinig sa Facebook.
Para sa hindi nakakaalam, ang asawa ni Niña ay si dating Mayor Cezar Quiambao ng Bayambang. Naging kontrobersyal noon ang kanilang kasal dahil sa malayong agwat ng kanilang edad, pero para kay Niña, hindi hadlang ang edad sa tunay na pagmamahal.
“Age ain’t nothing but a number when it comes to love. Of course you have to be at the right age in making decisions but in general love is beyond age, color, and many other things,” sabi noon ni Mayor Niña.