Site icon PULSE PH

Nicole Scherzinger at Darren Criss, Panalo sa Kauna-Unahang Tony Awards!

Wagi ang dugong Pinoy sa entablado ng Broadway! Sina Nicole Scherzinger at Darren Criss, parehong Filipino-American singer-actors, ay nanalo sa kanilang unang Tony Awards ngayong 2025.

Si Nicole, dating lead ng Pussycat Dolls, ay pinarangalan bilang Best Actress sa kanyang role bilang Norma Desmond sa Broadway adaptation ng pelikulang Sunset Blvd. Sa kanyang speech, emosyonal niyang sinabi:
“Thank you for making this little Hawaiian Ukranian Filipino girl’s dream come true.”

Bukod sa kanyang panalo, wagi rin ang Sunset Blvd ng Best Revival of a Musical at Best Lighting Design.

Samantala, si Darren Criss—na unang sumikat sa Glee—ay nanalo rin ng kanyang unang Tony para sa musical na Maybe Happy Ending, kung saan hindi lang siya gumanap kundi isa rin siyang producer ng palabas. Ang musical ay tinanghal na Best Musical ng taon!

Sunod-sunod din ang tagumpay ng Maybe Happy Ending, na wagi sa:

  • Best Direction (Michael Arden)
  • Best Book at Original Score (Will Aronson at Hue Park)
  • Best Scenic Design (Dane Laffrey at George Reeve)

At may isa pang Pinoy winner! Si Marco Paguia ay nanalo ng Best Orchestrations para sa Buena Vista Social Club.

Broadway takeover? Mukhang oo. Go, Pilipinas! 🎉

Exit mobile version