Magbabalik sa playing field si Tom Brady, pitong beses na Super Bowl champion, para lumaro sa Fanatics Flag Football Classic sa Riyadh sa Marso 21, 2026.
Ang event ay gagawin sa Kingdom Arena at lalahukan ng tatlong koponan na binubuo ng mga NFL stars, ibang athletes at entertainers. Kasama rin dito ang kanyang dating teammate na si Rob Gronkowski.
Flag football ay may mahigit 20 milyong manlalaro worldwide at nakatakdang maging Olympic sport sa 2028 Los Angeles Games.
Kabilang sa mga active players na sasali ay sina Saquon Barkley (Eagles), CeeDee Lamb (Cowboys), Christian McCaffrey (49ers), Tyreek Hill (Dolphins) at Odell Beckham Jr.
Mga kilalang NFL coaches tulad nina Pete Carroll, Sean Payton, at Kyle Shanahan ang mamumuno sa mga koponan.
Ayon kay Brady: “Excited akong muling makipaglaro kasama ang brightest stars at legends ng laro, at maipakita sa buong mundo ang flag football.”