Matapos ang kasiyahan ng Bagong Taon, nagmistulang “bundok ng basura” ang ilang kalsada sa Maynila, kaya’t nag-alsa ang mga residente laban sa hindi pa na-kolektang basura. Ayon sa mga komento sa Facebook ni Manila Mayor Honey Lacuna, pati mga larawan at video ng mga residente, hindi pa raw dumaan ang mga kolektor ng basura mula Enero 1!
Ang mga tambak na basura ay kumalat mula San Andres hanggang Paco at pati na rin sa mga kalsada ng Tondo. May mga netizens na nagtanong kay Mayor Lacuna kung kailan tatanggalin ang mga basura, na nagsasabing “mountainous garbage” na raw sila sa kanilang mga barangay.
Napag-alaman na ang lungsod ay kasalukuyang nagpapalit ng kontratista sa MetroWaste Solid Waste Management Corporation, ngunit may mga ulat na may mga sabotahe sa sistema ng pamamahala ng basura, na tinutuligsa ni Lacuna. Ayon pa kay Lacuna, “Wala tayong puwang para sa sabotahe.
