Pumanaw na ang NBA legend na si Dikembe Mutombo sa edad na 58 matapos ang laban sa brain cancer, ayon sa NBA. Kilala bilang isa sa pinakamahusay na defensive players sa kasaysayan, siya’y walong beses na NBA All-Star.
Bukod sa pagiging halimaw sa court bilang shot-blocker, kilala rin si Mutombo sa kanyang kabutihang-loob. Nag-donate siya ng milyun-milyon para magtayo ng ospital sa Congo, at binigyan pa siya ng US President’s Volunteer Service Award.
Sabi ni NBA Commissioner Adam Silver, “Mas malaki pa sa buhay si Mutombo—on at off the court.”