Site icon PULSE PH

Nahanap Din! Zaldy Co, Namataan sa Sweden; Kampo niya, Rumesbak sa SC!

Akala ng marami ay nasa Portugal siya, pero plot twist: Nasa Sweden pala!

Nakumpirmang nasa Stockholm, Sweden ang puganteng si dating Ako Bicol party-list rep Zaldy Co matapos lumabas ang dokumento mula sa kanyang sariling petisyon sa Supreme Court (SC). Isang apostille o certification ang nagpakitang personal na humarap si Co sa isang notary public sa Stockholm noong January 15 para pirmahan ang kanyang apela.

Bakit siya nag-file sa SC? Kahit “at large” o nagtatago, rumesbak si Co sa pamamagitan ng kanyang mga abogado. Hiling niya sa SC:

  • I-void ang kaso: Ibasura ang graft at malversation charges laban sa kanya kaugnay ng P289-M flood control scandal sa Mindoro.
  • Grave abuse daw: Inakusahan niya si Ombudsman Jesus Crispin Remulla ng pagmamadali (undue haste) at pag-pre-judge sa kanya nang walang sapat na ebidensya.

“Dilatory Tactics” lang? Hindi naman natitinag ang Office of the Ombudsman. Ayon sa kanila, “pa-delay” lang ang ginagawa ni Co. Banat naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla, “go hard” sila ngayon para mahuli ang dating mambabatas. Plano na ring i-cancel ang foreign passport ni Co at makipag-coordinate sa Sweden government at Interpol para ma-restrict ang kanyang galaw sa Europe.

Safe ba ang petisyon niya? Dito magkaka-alaman! Pagdedebatehan pa ng SC kung tatanggapin ang petisyon ni Co dahil sa rule na ang mga pugante ay karaniwang pinagbabawalang humingi ng tulong sa korte hangga’t hindi sila sumusuko.

Sabi ng Malacañang, “bilang na ang mga araw” ng mga nagtatago sa labas ng bansa. Mahuli na kaya si Zaldy Co sa Stockholm?

Exit mobile version