inanunsyo ni US President Donald Trump ang isang 90-araw na pagpapaliban sa pagpapatupad ng karamihan sa mga bagong taripa. Binaba niya ang buwis sa imported na produkto mula sa maraming bansa sa 10%, bilang hakbang umano para bigyan-daan ang mga negosasyon sa kalakalan.
Ngunit hindi kasama ang China sa palugit na ito.
Sa halip, lalo pang tinaasan ni Trump ang taripa sa mga produktong galing sa China—mula sa dating 104% ay naging 125% na ngayon. Ayon sa administrasyon, ito ay bahagi ng estratehiya para mapwersa ang Beijing na umayon sa mas “makatarungan” at “pantay” na kasunduan sa kalakalan.
Bagamat sinasabing layunin ng bagong polisiya ang muling pagbangon ng lokal na industriya sa Amerika, marami ang nangangamba sa epekto nito sa pandaigdigang merkado, lalo na sa presyo ng bilihin.
Nagpahayag naman ang China ng pagkadismaya at banta ng posibleng ganting-hakbang. Patuloy na tinututukan ng mga ekonomista ang posibleng epekto ng desisyong ito hindi lang sa dalawang bansa kundi pati sa buong mundo.