Nag-init si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng House appropriations committee kahapon tungkol sa kanyang P2.037-bilyong budget para sa 2025. Sa halip na sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas, binanggit niya ang mga isyu laban sa kanya tulad ng confidential funds at akusasyon ng impeachment.
Pagkatapos ng kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na hindi siya sasagot sa mga tanong tungkol sa budget ng Office of the Vice President (OVP), at hayaan na lang daw ang Kongreso na magdesisyon.
Binigyang diin ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang isyu ng confidential funds, pero hindi siya sinagot ni Duterte. Dahil dito, ikinumpara ni Castro si Duterte sa pusit na nagtatapon ng itim na tinta kapag nahuhuli.
Tumagal ng higit sa limang oras ang pagdinig bago ito sinuspinde at itinakda sa Setyembre 10 ang pagpapatuloy.