Site icon PULSE PH

Nadine Lustre, Nilinaw ang Fake Quote at Nagsalita Na!

Tinawag ni Nadine Lustre na fake ang kumalat na social media quote card na nagsasabing gumagamit siya ng tinatawag na “Mirror Method” — o ang pagsukli ng malamig na pagtrato sa mga taong nanlamig sa’yo.

Ayon sa viral post: “’Di ka binati? ‘Wag mo rin batiin. ‘Di ka inaya? Huwag mo silang yayain.” Pero giit ni Nadine, never niyang sinabi ito.

Sa halip, naglabas siya ng sariling mensahe: “Hindi mo kailangang suklian ang kakulangan ng iba. Piliin mong maging mabuti — hindi para sa kanila, kundi para sa kaluluwa mo.”

Dagdag pa ni Nadine, okay lang na umiwas sa mga taong nakasakit, pero dapat walang bigat sa puso. “You forgive not because they asked for it, but because YOU deserve peace,” aniya.

Payo niya sa mga followers? “Take care of your soul, not your ego. Keep choosing love.”

Exit mobile version