Si Manny V. Pangilinan (MVP), ang ultimate sports patron, ay nag-serve ng winning shot sa pagkomit na suportahan at tiyakin ang tagumpay ng Pilipinas sa solo hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship sa Setyembre 2025.
Sa isang meeting sa PLDT office sa Makati, kasama si Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara, MVP Sports Foundation president Al Panlilio, at PLDT sports leader Ricky Vargas, ipinakita ni MVP ang kanyang buong suporta.
“Level up na ang preparations para sa World Championship dahil kay MVP!” ani Suzara.
Tumaas na rin ang kumpiyansa ng national men’s team, Alas Pilipinas, na kamakailan lang ay nakakuha ng bronze medals sa Southeast Asia Men’s V.League sa Manila at Indonesia.
“Malaking hakbang ito para sa Philippine men’s volleyball,” dagdag ni Suzara. “Magpapatuloy ang progreso at tiwala kaming magpapakita ng galing ang Alas Pilipinas sa world stage.”
Inaasahan ang top 32 teams mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas bilang host, na maglalaro sa Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena. Ang opisyal na kickoff ay magsisimula sa Setyembre 14, kasama ang mga friendly matches sa pagitan ng top Japanese club teams at Alas Pilipinas squads sa Setyembre 7 at 8 sa PhilSports Arena.
Kasama ni Pangilinan sa LOC Board ang mga bigating sina Vinny Marcos, Sen. Alan Peter Cayetano, at Tourism Sec. Christina Frasco, na pawang handang ibigay ang kanilang suporta para sa tagumpay ng event.
