Site icon PULSE PH

MMDA: Number coding suspendido sa Pasko at Bagong Taon

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding scheme sa loob ng walong araw bilang bahagi ng paggunita sa Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa MMDA, walang number coding mula Disyembre 23 hanggang 25, at muling suspendido mula Disyembre 29 hanggang Enero 2, 2026. Ang unified vehicular volume reduction policy ay awtomatikong hindi ipinatutupad tuwing regular at special non-working holidays, pati na rin kapag may suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno na ipinahayag ng Malacañang.
Pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga motorista na magplano ng biyahe nang maaga at sumunod sa mga batas-trapiko, lalo’t inaasahang dadami ang sasakyan sa mga lansangan ngayong holiday season.
Samantala, kinumpirma rin ng MMDA na magsisimula sa Bisperas ng Pasko ang ilang bahagi ng EDSA rehabilitation works. Tiniyak naman ni Public Works Secretary Vince Dizon na gagawin ang mga hakbang upang mabawasan ang abala sa daloy ng trapiko habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Exit mobile version