PULSE PH

MMDA: Dolomite Beach at MRT-7, May Sala sa Pagbaha sa Maynila!

Ayon sa MMDA, ang artipisyal na Dolomite Beach sa Manila Bay at ang konstruksyon ng MRT-7 ang sanhi ng baha sa ilang bahagi ng Maynila tulad ng Taft Avenue at Commonwealth.

Ipinaliwanag ni MMDA Chairman Romando Artes na tatlong outfalls ang isinara bilang bahagi ng Manila Bay rehab — sa Faura, Remedios, at Estero de San Antonio Abad — para idaan muna sa treatment plant ang wastewater. Pero, kulang sa kapasidad ang planta, kaya naiipon muna sa kalsada ang tubig.

Dagdag pa ni Artes, nakaharang din ang ilang MRT-7 columns sa mga drainage inlet sa paligid ng Batasan Station, kaya lumala ang pagbaha doon.

Kahapon, sinaksihan ni Artes at dating Manila Mayor Isko Moreno ang pagbaklas ng outfall barrier sa Estero de San Antonio Abad, habang posible ring alisin ang isa pa sa Remedios para maibsan ang baha.

Exit mobile version