Para maiwasan ang matinding traffic ngayong Kapaskuhan, ipinatupad ng MMDA ang pagbabawal sa mall-wide sales sa buong Metro Manila.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operations chief Gabriel Go, pinapayagan pa rin ang sales basta’t walang malalaking promosyon o anunsyo.
Kasama ito sa mas malaking plano ng MMDA para mapadali ang daloy ng traffic sa holiday season. Simula Nobyembre 18, nag-adjust ang mga mall sa kanilang oras, at magbubukas na sila ng isang oras na mas late—11 a.m.—hanggang Disyembre 25.
Bukod dito, may bagong delivery schedule din: Malls are only allowed to accept deliveries from 11 p.m. to 5 a.m., maliban na lang sa mga perishable goods.