Umalma si Min Bernardo laban sa kumakalat na pekeng quotes na ikinakabit sa anak niyang si Kathryn Bernardo. Sa Instagram, ibinahagi niya ang pahayag ng Star Magic na nagbababala laban sa maling impormasyon at pinaalalahanan ang publiko na tigilan ang paggamit sa pangalan at larawan ng aktres para sa mga gawa-gawang kuwento.
Giit ni Min, ang kahit maliit na dagdag o bawas sa isang pahayag ay maaaring mag-iba ng kahulugan at magresulta sa fake news. Hiniling din niya sa content creators na huwag baluktutin ang mga kuwento para lamang makahakot ng views.
Inamin ng celebrity mom na masakit para sa kanya bilang magulang ang makita ang patuloy na pambabash kay Kathryn dahil sa mga hindi totoong pahayag. Matagal na raw nilang tiniis ang mga ganitong isyu, ngunit ang pananahimik ay nagmumukhang pagsang-ayon.
“May hangganan ang pagtitiis at pananahimik,” aniya.
Kamakailan, isang Facebook page ang naglabas ng pekeng quote na nagsasabing: “KATHRYN BERNARDO NANAWAGAN NA TUMULONG NANG TAOS-PUSO AT HINDI PARA SA CAMERA O SOCIAL MEDIA.”
