Ang batang mang-aawit noon na sumisigaw ng kanta ni Sarah Geronimo at Aegis, recording artist na ngayon!
Matapos ang panalo niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nagbalik si Mika Salamanca sa opisina ng Star Music para sa kanyang pinaplanong album—na dalawang taon nang niluluto!
“Welcome back to the office, Mika Salamanca! So excited!” ani ng Star Music sa kanilang post, kalakip ang lumang at bagong larawan ng pagbisita ni Mika.
Sa X (dating Twitter), ibinahagi ni Mika: “It will all make sense one day, take it easy.” Dagdag pa niya, hindi natuloy noon ang mga plano dahil may tamang oras ang lahat—“God’s perfect timing.”
Nag-viral din ngayong linggo ang mga lumang video ni Mika kung saan siya’y kumakanta ng OPM bilang alay sa kanyang inang nasa abroad noon.
Abangan ang debut album ni Mika sa ilalim ng Star Music!