Site icon PULSE PH

Mika Salamanca at Will Ashley, Nakiisa sa Pag-tulong sa mag Biktima ng Habagat !

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, sa mga relief efforts ng non-governmental organization (NGO) na Angat Buhay para matulungan ang mga biktima ng habagat at Bagyong Crising. Ang Angat Buhay, isang NGO na itinatag at pinamumunuan ni Leni Robredo, ay nagbigay ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad sa pamamagitan ng mga volunteer efforts.

Ipinost ng Angat Buhay ang mga larawan ni Mika at Will na tumutulong sa paghahanda ng mainit na pagkain kasama ang ibang volunteers sa Trining’s Kitchen Stories sa Marikina at sa Urban Chick Maginhawa sa Quezon City. Ayon sa Angat Buhay, “Maraming salamat sa pakikipagbayanihan, Mika at Will! Salamat sa inyong malasakit at suporta sa aming misyon.”

Ang Angat Buhay ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatiba upang matulungan ang mga komunidad na apektado ng mga kalamidad at mga sakuna sa bansa.

Exit mobile version