Site icon PULSE PH

Michele Gumabao, Nag ‘Yes’ sa Wedding Proposal ni PBA Coach Aldo Panlilio!

Engaged na ang celebrity athlete na si Michele Gumabao sa kanyang dyowa na si PBA coach Aldo Panlilio.

Ibinalita ni Michele ang good news sa Instagram, kasama ang sweet photos nila ni Aldo at ang malaking diamond ring na suot-suot niya.

Wala pang detalye tungkol sa kanilang upcoming wedding, pero ito ang caption ni Michele: “8 to [infinity] with you [blowing kiss emoji].”

Nag-post din ang Nice Print Photography ng ilang photos, at ibinunyag na naganap ang engagement sa Japan.

“She said YES [ring emojis] Congratulations @aldopanlilio12 and @gumabaomichele [red heart emoji],” pagbati nila. “Wedding proposal and engagement shoot in Tokyo, Japan.”

Sa comment section, bumaha ng congratulatory messages mula sa kapwa-beauty queens at volleyball players. Kasama rito sina Catriona Gray, Atisha Manalo, Jem Ferrer, Risa Sato, Michelle Morente, at marami pang iba.

Si Michele ay star player ng DLSU Lady Spikers ng De La Salle University. Siya ay two-time Best Blocker ng UAAP Season 73 at 74, at naging Finals MVP noong UAAP Season 75.

Noong 2014, naging celebrity housemate siya sa “Pinoy Big Brother: All In” kasama sina Jane Oineza, Alex Gonzaga, at Daniel Matsunaga.

Exit mobile version