Nagpainit ng usapan online ang bagong teaser ng Bubble Gang kung saan ipinakita si Michael V na tila gagawa ng parody tungkol sa “hearing.”
Sa teaser video na in-upload sa Facebook page ng show, makikita si Bitoy na naglalakad sa session hall suot ang puting blazer, may nunal sa mukha at wig—agad na nagpaalala sa netizens kay kontrobersyal na contractor Sarah Discaya.
“Hindi pa tapos ang hearing,” ayon sa caption ng show.
Agad namang bumuhos ang reaksyon online. Maraming fans ang natuwa at hiling pa nila na gumamit si Bitoy ng British accent—reference sa pamosong pahayag ni Discaya na kaya niyang magsalita nito.
Maging si Michael V mismo ay nag-share ng post at nag-iwan lang ng maikling caption: “Hmm…”
Mapapanood ang episode ngayong Linggo, 6:10 p.m.
Sa social media, mas lalo pang lumakas ang hype dahil noong nakaraang Senate Blue Ribbon hearing, marami na ang nakapansin ng pagkakahawig ni Discaya kay Michael V—kaya’t mukhang ready na si Bitoy na gawing katatawanan ang kontrobersyal na eksena.
