Puno ng tensyon ang Plaza Miranda sa Quiapo nang higit sa 100 tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy ang nagtipon at nag-march patungo sa Liwasang Bonifacio. Ang kanilang protesta ay laban sa umano’y abuso ng kapangyarihan ng pulisya sa pag-raid sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao noong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga dumalo ay si dating presidential spokesman Harry Roque, na kamakailan lang ay nakalaya mula sa detention sa House of Representatives. Nariyan din si Sandra Cam, dating board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong panahon ni Rodrigo Duterte. Ang kanilang protestang ito ay naglalayon ng pagbibitiw ni President Marcos.